Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't-ibang recipe ng sago para sa tag-init, patok na patok sa 'Good News'



LUNES, APRIL 18, 2016
8 PM SA GMA NEWS TV

Libreng Tuli!
Libreng pagpapatuli ang hatid ng Good News sa ilang mga batang lalaki sa La Loma, Quezon City. Bitbit ang mga duktor, libreng gamot at makeshift operating room, mga tatlumpung batang lalaki ang nabigyan ng libreng operasyon. Alamin kung bakit ang pagpapatuli, hindi lang isang mahalagang "rite of passage" sa ating kultura, kungdi isa ring health issue.


 

Angat sa Itlog na Maalat!
Ang itlog na maalat, mura na, masustansiya pa! Pero hindi lang 'to simpleng pansahog sa ensalada dahil sa iba't ibang kainang binista namin, nagbago ito ng bihis! Tikman ang kakaibang sarap ng Salted Egg Pasta, at ang mala-pizza na dating ng Salted Egg Flat Bread. Maging sa dessert, umaariba ang simpleng sangkap na ito sa Salted Egg Ice Cream with Black Sesame Paste, at sa French-inspired na Bibingka with Salted Egg Macaron!


 

Go, Sago!
Ngayong tag-init na naman, bumibida ang chewy sago sa mga pampalamig tulad ng sago't gulaman at halo-halo. Pero alam n'yo ba na maski pagkain, pinapasarap nito? Tikman ang kakaibang sarap ng Sago Soup, Sago Fritters at Chewy Sago Balls. Sa isang restaurant naman sa Quezon City, titikman natin ang masarap ng sago dessert--ang Sago Cake!


 

Slipper Makeovers!

Para bongga ang O-O-T-D o Outfit of the Day ngayong summer, dapat kumpleto ang look from head to toe! Kaya kung nanggigitata na ang iyong mga tsinelas, may solusyon kami riyan! Sa tulong ng isang upcyclist, ituturo namin kung paano bigyan ng bagong buhay ang mga tsinelas. Sa mga affordable na paraan, pwedeng gumawa ng sariling Gladiator-Inspired Sandals, Rhinestone-Studded Slippers, at Beaded Flip-Flops!


 

Tags: pr