Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang uri ng halo-halo, titikman sa 'Good News'


Halo-Halo Espesyal!
 

 

 

Ngayong sikat na sikat na naman ang halo-halo, titikman natin ang iba't ibang versions nito all over the world! From Korea, matitikman ang bingsu na sinangkapan ng red beans--pagkaing nakakapagtaboy raw ng masasamang espiritu! Mula naman sa Japan, bida ang kakigori na hinaluan ng Japanese milk na mas makrema kaysa karaniwang gatas. Hindi rin magpapahuli ang mga local halo-halo. Ang isa ay binudburan ng siling labuyo, habang ang isa naman, sinamahan ng minatamis na kundol!

Milkshake Madness!

 


Food-And-Drink-in-One ang drama ng mga milkshake na aming natikman. Lasapin ang kakaibang milkshake na hinaluan ng cronuts--ang pastry na combo ng croissant and donut. Mahilig ba kayo sa cupcake? Pwes, ito ang sangkap ng mga milkshake na may sari-saring cake flavors! Kung talagang unique taste naman ang hanap mo, tikman ang Smoked Maple Bacon Milkshake!

Cool na Panlilibre!

 


Umarangkada na naman ang Good News Team para maghanap ng mga kapusong may malasakit sa kapwa. May tutulong kaya sa aming kasabwat na mamang sorbetero na hirap tumulak sa kaniyang paninda? Ang mga sumaklolo sa kaniya, sinorpresa namin ng mga pampalamig gaya ng ice cream at cold towel!

 

Dating Hot, Ngayo'y Hit!

 


Ang mga bagay na dati'y maiinit lang, ngayo'y may malamig na version na maghahatid ng kaginhawaan ngayong summer. Ang hot springs na sikat sa maraming probinsiya ng bansa, ngayo'y nasasapawan na ng cold springs, tulad ng natagpuan namin sa Laguna. Ang sauna naman na nagpapapawis, may partner nang ice room kung saan nagyeyelo ang mga pader dahil sa lamig. Ilan lang ang mga 'yan ang swak subukan ngayong tag-init!

 

 

Tags: pr