ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pagkaing nagliliyab, ihahain ng 'Good News'


Libreng Boundary!
Sa social media, may ilang mga driver na trending dahil sa kagandahang loob. Ang isang jeepney driver, mahilig manlibre ng pasahero, habang ang isa namang taxi driver, hindi namimili ng isasakay!  Ang kanilang katapatan, susuklian ng Good News sa pamamagitan ng masasayang sorpresa! Alamin ang magiging reaksyon ng mga namamasadang Good Samaritan!

 


 

 

 

Work it, Workshop!
Tama na ang pag-aaksaya ng oras; mag-break na mula sa gadgets at laptop, at sumali sa mga fun workshop! Kasama ng game na game na si Bea Binene, sinubukan namin ang mga nauusong workshop ngayon gaya ng calligraphy, crochet, weaving at plant arrangement. Hindi lang kayo maaaliw sa mga bagong kaalaman; ang mga ito, pwede pang gawing basehan ng susunod n'yong negosyo!

 


 


Flaming Food!
Ang karamihan ng mga pagkain, mas masarap 'pag mainit. Pero ibang  level ang pagbabaga ng mga pagkaing nadiskubre namin na pinaliliyab muna bago ihain! Mula Japanese food, hanggang Greek cuisine, titikman natin ang mga putaheng magpapainit sa inyong sikmura. Pati ang hot na hot dessert na inihain kay Pope Francis, malalaman natin kung paano gawin!

 


 


Tags: pr