Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang pamahiin ngayong Bagong Taon, tampok sa 'Good News'


Bagong Taon, Bagong Gimik!

 

 

Ngayong bagong taon, lubusin ang bakasyon sa pamamagitan ng mga gimik na magbibigay sa inyo ng panibagong sigla! Mula sa isang resort sa Bulacan na may activities at amenities na all-in-one, dadako naman tayo sa isang park, kung saan makakapaglaro ng interactive games na educational. Kapag napagod na sa mga activity na 'to, tungo na sa isang resto na may temang pang-bilanggo! Kakaiba ang pagpasok ng taon kapag sinubukan ang mga ito!

Spa Sorpresa!

 


 

Dahil ang mga masisisipag na tindero't tindera sa mga palengke ay hindi nagpapahinga  ngayong holiday season, dinalhan namin sila ng relaxing na sorpresa! Sa mismong palengke kami nagset-up ng isang spa station na libreng mae-enjoy ng mga hardworking nating mga kapuso. Mula sa manicure/pedicure, massage hanggang foot spa, malaki raw ang hatid na ginhawa ng mga free pampering service namin!

New Year's Suwerte!

 

Ngayong bagong taon na naman, iba't iba namang pamahiin ang dumadagsa na guaranteed daw na pampadagdag ng swerte. Kabilang na rito ang pagbubukas ng mga bintana at pitaka sa pagpasok ng taon. Paano ba nagsimula ang mga paniniwalang ito? Sa tulong ng isang eksperto, iisa-isahin natin ang lohika sa likod ng mga pamahiin, at kung paano ito naging bahagi ng Kulturang Pinoy.

Bagong Bogchi ngayong Bagong Taon!

 

 

Para maiba naman ang holiday kainan, ba't di subukan ang mga pagkaing sikat sa ibang bayan?  Ang good news, ang mga restaurant na sa abroad lang matatagpuan, ngayo'y nasa Pilipinas na! Kabilang rito ang pinakamalaking food chain sa Amerika na sikat dahil sa kanilang Baby Back Ribs! Mula naman sa New York, isang food truck franchise ang umaariba na handog ang middle eastern-inspired rice platters. Bumibida rin ang Taiwanese food na award-winning sa sarap!

 

Tags: pr