Filtered By: Newstv
NewsTV

Katakam-takam na grass recipes, ihahain ng 'Good News'


Kitchen Knowledge
Mas enjoy ang pagluluto kung masosolusyunan ang ibang mga problema natin sa kusina. Ang ilan sa mga ito: paninigas ng asukal, paggawa ng homemade steamer, pagtanggal ng amoy ng bawang sa balat, at pagbabawas ng mantika sa ulam. Lahat ng mga 'yan, kayang-kayang sagutin ng aming kitchen expert!

Energy-Boosting Breakfast
Ang almusal ang most important meal of the day kaya hindi dapat 'to nakakaligtaan. Pero kung sawa na kayo sa ordinaryong kanin at pan de sal, handog namin ang mga breakfast recipe na inspired ng foreign cuisine! Tikman ang Middle Eastern taste ng Chickpea Tomato and Fried Egg Toast. Gigisingin  naman kayo ng anghang ng Kimchi Breakfast. Mula  sa Mexico, bubusugin kayo ng mala-pizza na sarap ng Marinara Toast!

Smart Shopping
Dahil ber months na, unti-unti nang lumalamig ang simoy ng hangin. At alam na natin ang ibig nitong sabihin...oras na para mag-Christmas shopping! Pero bago kayo mamili, handog namin ang mga smart shopping tip para hindi mabutas ang bulsa. Mula sa pagiging updated sa mga sale, hanggang sa tamang style ng pagtawad, ating aalamin para masulit nang husto ang inyong pang-shopping!

 
 
 
 
Pangangga sa Panahon!
Pabago-bago man ang lagay ng panahon, ang masisipag nating kapuso, patuloy pa rin ang pagkayod. Umikot ang Good News Team para bigyan ng kaunting ginhawa ang mga ordinaryong kapuso na marangal na nagtratrabaho. Kaya namigay kami ng mga libreng payong at raincoat sa isang naglalako ng isda, nangangalakal ng basura, street sweeper, at parking attendant na masipag na nagtatrabaho, rain or shine.

Delicious Grass
Ang damo, hindi lang panghayop, kungdi pangtao rin. Kilalanin ang dalawang klaseng edible na damo--ang lemon grass at ang wheat grass. Ang mga ito, dadalhin natin sa Good News Kusina, para isangkap sa mga recipe na nag-uumapaw sa sustansiyang swak sa buong pamilya!
Tags: prstory, pr