Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga iba't ibang benepisyo sa kalusugan ng sibuyas, ating alamin sa 'Good News'
Lolo Pedicab
Binalikan namin si Mang Clemente, ang lolong pedicab driver sa Sta. Mesa. Kasama ni Love Añover ang Good News Team sa pamamahagi ng surpresa sa kaniya. Bukod sa libreng check up sa ospital, ginawan din ng makeover ang kaniyang pedicab. Pero ang pinakabonggang surpresa sa lahat, lubos niyang ikinatuwa!
Toy Makeover
Ang mga nakalakihang laruan, 'wag munang idiretso sa basurahan! Ang mga ito, pwede pang gamiting pampaganda ng tahanan. Alamin kung paano gawing wind chimes ang xylophone, at toothbrush organizer ang action figures. Pati ang kotse-kotsehan, pwedeng bumida sa isang bonggang nightstand!
Super Sibuyas
Ang sibuyas, hindi lang pampasarap ng ating pagkain, pwede rin itong gamiting alternative medicine! Ayon pa sa health expert, ito ang natatanging spice na taglay ang pareho antibiotic at anti-viral properties. Mula trangkaso hanggang pamamaga ng kasukasuan, alamin kung paano ito masosolusyunan gamit ang versatile na sangkap na ito.
Magnificent Malabon
Hindi kailangang lumayo sa metro para sa lakwatsang panalo. Sa Malabon, pwede nang libutin ang mga sikat na landmark at kainan sa siyudad sa pamamagitan ng tricycle. Siguradong busog ang mata sa sa pagbisita sa historical San Bartolome Church, busog pa ang tiyan sa pagtikim sa sangkaterbang Malabon treats gaya ng Pansit Malabon, kakanin, puto, lugaw at soft broas!

Tags: pr
More Videos
Most Popular