Mga problema sa damit pamporma, sosolusyunan ng 'Good News'
Kung sawa na kayo sa karaniwang pagkain, ba't di subukan ang mga kainang naghahandog ng customized food? Sa food trip na 'to, kayo ang bahala sa pagpili ng mga sangkap ng mga favorite nating comfort food tulad ng cookies, pizzas at burgers. Sa ganitong paraan, masisigurong satisfied ang inyong tummy, at sulit ang inyong bayad!
Obra Lampara!
Sa mga lamparang gagawin natin, ang mga tahanan ay mapapabongga nang hindi nabubutas ang bulsa. Subukang gawin ang photo lamp, na nagsisilbing photo album at lamp in one! Meron din kaming ibubunyag na do-it-yourself lamp design na pampahimbing ng tulog sa gabi. Kung pabonggahan lang ang labanan, siguradong winner ang aming chandelier na gawa sa recycled plastic bottles!
Freezer Food!
Para hindi mapagod sa kakaplano ng ulam para sa buong linggo, ang aming solusyon: freezer meals na pwedeng iluto sa isang bagsakan lang! Alamin kung paano lutuin ang yummy recipes tulad ng Creamy Chicken Curry, Chicken Salsa Verde at Hawaiian Pork Chops straight from the freezer. Sa ganitong paraan, tipid na kayo sa oras, happy pa ang buong pamilya!
Meryenda Madness!
Dahil importante sa ating mga Pilipino ang hindi magutom, sagot na namin ang meryenda sa isang paresan! Handog ang mga nakakabusog na rice pares at mami pares, inilibre namin ang masisipag nating mga kapuso. At laking gulat namin na ang simple naming surpresa, malaki na pala ang naitulong sa kanila!
Fashion Fix!
Ang buhay, isang malaking catwalk. Kaya para hindi masira ang diskarte sa pagpoporma, bibigyan namin ng solusyon ang mga common na problema sa fashion. Gamit ang mga affordable na gamit, say goodbye sa maluwag at lukot na kuwelyo, deodorant stains sa damit, at maluwag na zipper sa pantalon! Sa ganitong paraan, siguradong madagdagan ang imyong confidence, at tatagal pa ang buhay ng inyong mga damit!