Filtered By: Newstv
NewsTV

Tips para puksain ang mga ipis, alamin sa 'Good News'


Pinoy Panghimagas!
Ang mga classic na Pinoy na panghimagas, binigyan ng bagong bihis at sarap. Tikman ang panalong kombinasyon ng init, lamig at lutong ng fried sorbetes. Sigurado namang maiintriga kayo sa kakaibang hitsura ng pan de sal kapag ginawa itong pudding na may ice cream! Ang kombinasyon naman ng ube at leche flan, siguradong inyong maiibigan sa isang cake na ubod ng linamnam!

 

Fruitilicious Snacks!
Nasobrahan ba kayo ng pamimili ng prutas? Hawak namin ang susi para tumagal ang kanilang buhay! Ang solusyon, homemade fruit snacks na patok sa buong pamilya. Ilan lang sa mga ibubunyag naming recipe ay ang fruit popsicles, sun-dried apple chips, at ang choco-banana graham cake!



Indoor Fun ngayong Tag-ulan!
Tuluy-tuloy pa rin ang kasiyahan maski tag-ulan! Kung trip n'yong magpaka-fit, subukan ang mga indoor workout gaya ng Aqua Zumba at ang French martial art discipline na Parkour. Kung gusto n'yo namang iehersisyo ang inyong isipan, bisitahin ang nadiskubre naming museo na swak for all ages, at isang robotics class para sa mga future scientist!



Wa-is sa mga Ipis!
Ang mga ipis na nagsusuluputan sa dilim, kayang-kaya n'yong puksain. Gamit ang mga simpleng sangkap na matatagpuan sa kusina gaya ng dishwashing detergent, harina, dahon ng laurel at iba pa, ang mga pesteng insekto na ito, pwede nang kontrahin. Aalamin din nating ang ilang mga dapat malaman tungkol sa ipis mula sa isang eksperto.



Pag-asa sa Kakulangan (part 2)
Binalikan ng Good News ang mag-asawang may polio na sina Alie at Connie, upang bigyan sila ng mga regalo. Sa tulong ng kanilang mga kapit-bahay at kamag-anak, nasurpresa sila, hindi lang ng libreng pananghalian kasama ang mga mahal sa buhay, kungdi pati na rin ng bagong motor para sa bangka ni Alie, kabuhayan para kay Connie at school supplies para sa kanilang anak nilang si Claris.
 
Tags: pr, plug, plugstory