Filtered By: Newstv
NewsTV
Pipino recipes, isasalang na sa 'Good News' kusina ngayong Lunes
Pipino Panalo
Ang mabisang panangga sa rumaragasang init--walang iba kungdi ang gulay na pipino! Bukod sa hydrating powers nito, hitik din ang pipino sa sustansiya na panlaban sa cancer at iba pang mga sakit. Kaya naman inalam namin kung paano ito itinatanim at iinluluto para sa healthy diet ngayong tag-init!
Alamin din ang detox powers ng pipino, pati na rin ang taglay nitong linamnam sa hapag-kainan. Para sa healthy ulam, subukan ang Japanese-inspired na Fish Teriyaki with Pickled Cucumbers. At ang aming supresa... isang pipino dessert na Indian-influenced--ang Cucumber Cake!
Summer Pasyalan
Nangangati na ba ang inyong mga paa? Pwes, alamin ang mga pasyalang panalo sa saya, pero hindi nalalayo sa Maynila. Tara't usyosohin ang likas na alindog ng Hinulugang Taktak sa Antipolo. Sa Laguna naman namin nadiskubre ang isang misteryosong underground cave. Kung panalong swimming spot naman ang hanap n'yo, sa Batangas pwedeng umapak sa white sand bago tumambling sa beach!
Sorbetes Surprise!
Dahil patok na patok ang ice cream ngayong summer, ito ang ipinamigay namin sa mga laging nakabilad sa araw. Ang masisipag na construction worker at tricycle driver, nagulat at napangiti sa aming munting surpresa. Pati ang mga bata at turistang nakababad sa Luneta, hinandugan namin ng saya!
Halo-Halo around the World!
Dahil summer na, patok na naman ang pampalamig nating paborito--walang iba kungdi ang halo-halo! Pero alam n'yo bang hindi lang mga Pilipino ang nahumaling dito? Sa iba't ibang bahagi ng mundo, may sari-saring version ng ating halo-halo. Mula sa Japanese version na pinasarap ng red beans, hanggang sa Thai version na pinatamis ng kakang gata ang langka, ating titikman ang iba't ibang linamnam!
Saktong Swimsuit!
Hindi man perfect ang ating katawan, siguradong may swimsuit na babagay sa mga ito. Alamin ang mga fashion trick para lumitaw ang natural na alindog. Alin man ang problema--ang pagiging mabilbil, maliit, payat o flat, ang aming eksperto, may mga solusyon na dadagdag sa confidence n'yo!

More Videos
Most Popular