ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Balut kayo diyan, ngayong Lunes sa 'Good News'


Balut Buy!
 

Ang balut, minsa'y pinagdidirihan, minsan nama'y kinasasabikan.  Paano nga ba napadpad sa bansa ang kakaibang delicacy na 'to? Tutungo rin tayo sa bayan ng Victoria sa Laguna kung saan pangunahing pangkabuhayan ang pag-iitik.  Dito natin matututunan kung paano gawin ang panalong meryendang ito!
 
Balut Bites!
 

Masarap papakin ang balut, pero mas lalo raw 'tong kahuhumalingan kapag isinangkap sa mga kakaibang recipe! Ilabas na ang kanin at pagsasaluhan natin ang mga panalong ulam tulad ng Fried Balut with Tamarind Sauce at ang Balut Salpicao. Panghimagas naman ang sagot ng aming unique Balut Mousse!
 
Tinapay with a Twist!
 

 
Kung tunay kang Pinoy, dapat kilala mo ang mga local tinapay natin, gaya ng pan de regla, pianono at ensaymada! Para kahumalingan ito ng bagong henerasyon, ang ilang mga tindahan, binigyan ng twist ang mga patok na pang-meryendang ito. Mula sa ube ensaymada hanggang sa kababayan at pianono na sinangkapan ng tsokolate, siguradong hinding hindi n'yo na pagsasawaan ang mga tinapay na ating kinalakihan!
 
Pananghalian para kay Juan!
 

 
Love na love namin ang mga hardworking nating kapuso, kaya naman naisipan ng Good News Team na surpresahin sila ng libreng lunch-on-the-go!  Kumpleto sa kanin, masarap na ulam at masustansiyang dessert, ang aming packed lunch, nakapagbigay ligaya sa sari-saring trabahador.  Mga jeepney driver, line men, at MMDA staff, hindi namin pinalampas sa nakakabusog na good vibes!
 
Christmas Finds!
 
Ngayong pasko, walang takas sa pagbibigay ng regalo! Kaya pra makamura, pupuntahan natin ang mga secret shoppingan na sa bulsa'y magaan.  Mula Manila hanggang Quezon City, aalamin natin kung saan mabibili ang pinakamurang mga laruan, Christmas decorations at kung anu-ano pang anik-anik na swak pangregalo!