Filtered By: Newstv
NewsTV

Go sa Gulay at Fresh Foods ngayong Lunes sa 'Good News'



Go sa Gulay!
Ang mga gulay na kadalasang may supporting role lang sa mga putahe, ngayo'y bibida sa mga recipe nag-uumapaw sa sustansiya. Siguradong hindi na kayo mahihirapan sa pagpapakain sa mga chikiting ng mga healthy gulay, salamat sa mga yummy recipe gaya ng Crunchy and Nutty Okra, Chili Beef with Pineapple, Asian Noodles with Sitaw, and Japanese Gabe Salad!
 
 

 
Fresh na Fresh Food!
Para masiguro ang kalusugan ng buong pamilya, dapat ang pagkaing ihinahain, laging sariwa. Kaya naman sasamahan namin kayong mga mommy sa palengke para ituro ang mga technique sa pamimili ng pinakabago at pinakasariwang mga sangkap. Aalamin din natin kung paano patatagalin ang freshness ng mga pagkain sa loob ng refrigerator para hindi masayang ang mga ipinamili!
 
 

 
All-Day Food Trip!
Sagot namin ang inyong food trip mula agahan hanggang hapunan--salamat sa mga kainang pinagbinibidahan ng kakaibang menu na iniluto sa mga kakaibang paraan!  Para sa breakfast, tikman ang Spanish-inspired na Organic Eggs with Potato and Chistorra! For lunch, lasapin ang yummy yet affordable na steak na iniluto sa lava stones! Inihaw na bacon naman for meriyenda, at para sa hapunan, balut na naliligo sa bulalo soup!
 
 

 
Hack Attack!
Maraming challenges sa buhay, pero sa tulong ng mga simpleng solusyon, madaling malampasan ang mga ito. Sa mundo ng fashion, tuturuan namin kayo kung paano gawing waterproof ang inyong sapatos, at ng simpleng make-up and clothing tricks para lalong mapaangat ang inyong natural beauty. Sa usaping kusina naman, ibubunyag namin ang mga sikreto ng chef sa mabilis na pagluluto ng mga putahe.
 
 

 
D-I-Y Buhay!
Huwag munang itapon ang mga bagay na napaglumaan dahil siguradong meron pa 'tong mga pakinabang. Ang mga lumang sapatos, bibigyan natin ng bagong buhay sa pamamagitan ng mga kulay.  Ang nakatambak na mga libro naman, magbabagong-anyo at magiging fashionable wall clock. Pati ang bao ng niyog, pwedeng gamitin sa paggawa ng mga picture frame. Siguradong mamamangha kayo sa mga ituturo naming Do-It-Yourself project, minus the gastos!