Filtered By: Newstv
NewsTV

All rice recipes and pastillas perfect on 'Good News'


AIRING DATE: June 30, 2014
AIRING TIME: 8:00 p.m.

All Rice!

Ang tirang kanin, sa pang-international na pagluluto, pwedeng gamitin!  Mula sa soft taco ng Mexico at meatballs ng Italy, hanggang sa isang Indian-inspired recipe, ang leftover rice magpapasarap at magbibigay sustansiya.
 
Cleaning Hacks

Ang kalawang, gasgas at pagkupas ng mga damit, madali nang masosolusyunan gamit ang mga bagay na karaniwan.  Ilabas na ang toothpaste, kape at bigas para sa isang cleaning spree na ubod na dali!
 
Pastillas Perfect

Ang pastillas, isang napakasimple ngunit napakasarap na panghimagas. Pero sa tulong ni Good News Girl Bea, ating tutuklasin ang mga kakaibang pastillas dish na kikiliti sa inyong panlasa. Nakatikim na ba kayo ng pansit canton na pina-creamy ng pastillas? At ang pastillas naman na hinaluan ng malunggay, guaranteed yummy and healthy!
 
Stress Busters!

May mga pagkaing madaling bilhin at lutuin para mabawasan ang stressed-out feeling. Alamin kung paano pinapagaan ng spinach, dalandan at green tea ang ating pakiramdam.  Dagdag kaalaman pa ang masasarap na recipe mula sa mga sangkap na ito!
 
D-I-Y Waterproofing

Sa pagbuhos ng ulan, ang mga gamit, dapat protektahan!  Para hindi masira ang mga gamit pang-eskwela ng ating mga chikiting, mga homemade waterproof covers ang ating gagawin. Mula bag at baon hanggang gadgets at mga papeles, gagawan natin ng protective cover na iwas-basa!