Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga solusyong hatid ng balat ng prutas at gulay sa 'Good News'


AIRING DATE: June 16, 2014 (Monday)
AIRING TIME: 8:00 p.m.

Peel the Magic!



Ang mga balat ng prutas at gulay, may sari-saring pakinabang. Mula sa pagiging all-natural dye, shoe polish at insect repellant, pwede rin silang maging water filter at sugar softener! Siguradong mapapa-wow kayo sa mga solusyong hatid ng mga bonggang balat.
 
Ayos sa Pagiging Maayos!

Kapag sa mga gamit, burara...ang mga ito'y madaling masira!  Kaya naman ang aming solusyon: mga D-I-Y organizer para sa  mga pang-make up, kable at pang-araw-araw ng mga gamit. Kapag ang mga ito, pinag-iingatan...siguradong mas matagal n'yo silang mapapakinabangan!
 
Tulog na, Anak!

Para lumaki nang wasto ang ating anak, dapat wasto rin ang oras nila ng pagtulog. Kaya naman inalam namin ang mga paraan para maaga silang mapa-meme. Mula sa pagkakaroon ng routine hanggang sa tamang ayos ng kanilang higaan, aalamin natin ang sikreto sa pagtulog nang mahimbing ni chikiting!
Tags: plug