Filtered By: Newstv
NewsTV

French delicacies at sosyal na street food, tampok sa 'Good News'


GOOD NEWS
Airing Date: Nov. 3, 2013



French Cooking 101
Ang bihasang aktres na si Maritoni Fernandez, palaban, hindi lang sa telebisyon at toong buhay, kungdi pati na rin sa kusina!  Tuturuan niya tayo ng isang French dish na kinalakihan niya sa England gamit ang manok, wine, olive oil at iba pang mga sosyal na sangkap.  Guaranteed yummy raw ang kanyang recipe, na sa inyo'y mapapa-Bon Appetit!


 

Sosyal na Street Food
Ang mga pagkaing nabibili sa lansangan, sa mga sosyal na restaurant na matitikman.  Tara na't mamangha sa pinasosyal na  lasa't hitsura ng binatog, balut at bibingka. Ang mga pina-level up na street food na 'to, siguradong bibingwit sa panlasa n'yo!
 
 Bata, Bata, Saan Ka na Nagpunta?
Sa matataong lugar, delikadong mawalan ng anak. Pero kung sakaling mangyari ito, ano ang dapat gawin?  Inalam namin ang mga reaksyon ng mga magulang sa kasabwat naming mommy na kunwaring nawawalan ng anak.  Inalam din namin mula sa isang expert kung paano maiiwasan ang sitwasyong ito.
 
Pinay Power!
Ang mga babaeng superhero, hindi lang sa komiks at pelikula matatagpuan! Nakilala namin ang mga Pinay na umaariba sa larangan ng palakasan at pagdedepensa sa sarili.  Kaya kung sino man ang nagbabalak na magloko sa kanila, magdalawang isip na!
 
Morning Sumpong
Tuwing umaga, ang inyo bang chikiting ay sumpungin? Sa tulong ng isang psychologist, aalamin natin ang mga pwedeng gawin para gumaan ang kaniyang pakiramdam pagkagising.  Sa ganitong paraan, siguradong gagaan din ang problema nating mga mommy!
Tags: prpost