Filtered By: Newstv
NewsTV

Togue recipes at classic Pinoy panghimagas, ihahain sa 'Good News'


Togue-ther Forever!

Huwag ismolin ang wonder gulay na togue dahil hindi lang ito sa lumpia pwedeng bumida!  Gagawin nitong mas masustansiya at mas masarap ang mga paborito ng mga kids na burger, pancake at sisig.  Hindi lang hit na pambaon ang mga ito; mapa-merienda man o mapa-pananghalian, patok din itong ihain sa buong pamilya!

Mga Gimik na Photogenic!

Para masulit ang family outing, dapat laging may picture-taking! Kaya naman aming inalam ang mga pasyalang masarap kunan.  Mula sa isang kakaibang attraction ng theme park hanggang sa isang mala-vintage na kainan at ekta-ektaryang art gallery, siguradong enjoy ang buong pamilya sa bondig at photo session!
 
School Supplies Special

Hindi na kailangang gumastos ng malakit para sa mga gamit pang-eskwelahan!  Sa tulong ng isang fashion designer, bibigyan natin ng bonggang makeover ang  napaglumaang school essentials gaya ng notebook, uniporme at sapatos.  Sa mga mura at creative na paraan, magmumukha muling bago at fashionable ang kagamitan ng ating mga chikiting.
 
D-I-Y Waterproofing

Dahil sunod-sunod na ang pag-ulan, dapat protektado hindi lang ang ating kalusugan, kundi pati na rin ang ating kagamitan! Kaya naman, iisa-isahin natin ang mga paraan kung paano gumawa ng mga waterproof cover para sa bag, sapatos at gadgets.  Pati ang ating katawan, bibigyang proteksyon sa paggawa ng isang fashionable poncho na gawa sa trapal!
 
Mga Panghimagas ng Pinas!

Muli nating bubuhayin  ang mga tradisyonal nating panghimagas  sa isang walang kasing-sweet na food trip! Kasama ni Good News Girl Bea Binene, titikman natin ang extra rich version ng Leche Flan na tinatawag na Tocino del Cielo.  Mapapadpad din tayo sa Cavite kung saan tampok ang panghimagas na binibidahan ng mga paboritong prutas ni Emilio Aguinaldo. Sa sarap at tamis ng mga dessert na sariling atin, siguradong kayo'y kikiligin!
 
Tags: plug