Filtered By: Newstv
NewsTV
Sulit na sampalok at onion overload sa 'Good News'
Onion Overload Nakakaiyak ang maghiwa ng sibuyas. At dahil sa mga onion recipe na aming inihanda, muli kayong mapapaiyak--ngayon naman, sa sarap! Tikman ang natatanging sarap ng onion tarts at onion pancakes. Kung dessert naman ang hanap n'yo, sa onion pastillas, siguradong 'di kayo mabibigo! Thin is in! Hindi na kailangang magbabad sa gym para maging slim ang dating. Sa tulong ng isang fashion stylist, aalamin natin ang mga tamang kasuotan para maitago ang mga bilbil sa katawan. Iba't ibang look ang ating pageeksperimentuhan, pati na rin ang make up tricks para mabawasan ang timbang! Amazing Adobo Binansagang pambansang ulam ang paborito nating adobo. Pero alam n'yo bang binigyan na 'to ng twist na moderno? Tikman ang perfect na pang-almusal na adobo omelet, at ang winner na pang-meriendang adobo crepe! Kung rice meal naman ang iyong hanap, tiyak na mapapakilig kayo sa adobo sisig! Imbentong Panalo Umaarangkada na naman ang mga imbentor na Pinoy na may world-class na talento. Mula sa isang mobile game na tampok ang mga Pinoy streetfood, aalamin natin ang isang mobile application na maaaring sumagip sa iyong buhay. Pagsagip naman sa kalikasan ang pinagkakaabalahan ng nakilala naming robot habang isang makabagong transportasyon naman ang handog ng isang engineer. Sulit ang Sampalok! Hindi lang pampaasim ang sampaloc dahil hatid nito ang tamis ng pagbibigay-solusyon sa ilan nating mga household dilemma. Mula sa mga nangangalawang na gamit hanggang sa namantsahang damit, ang sampalok, always to the rescue!
More Videos
Most Popular