Filtered By: Newstv
NewsTV

Silipin ang buhay ni Connie Sison bilang isang wonder mom at ulirang anak


FOLLOW THAT REPORTER

Connie Sison
 

Date of Airing: November 23, 2013
 


 

Napagkakamalan siyang artista dahil sa ganda ng kanyang mukha ngunit bukod sa kanyang kagandahan, mas hinahangaan ang kanyang galing bilang TV host at reporter. Pero higit sa lahat, tiyak na mas marami ang mabibilib sa kanyang pagiging wonder mommy at ulirang anak. Ngayong Sabado sa Follow That Star, sundan ang buhay ni Connie Sison.
 

Taong 1997 nang unang makita ang kanyang mukha sa telebisyon bilang feature reporter, pero nang pumutok ang balita tungkol sa paglubog ng MV Princess of the Orient noong 1998, nagkataong nasa tamang lugar at tamang oras si Connie kaya siya ang pinaktabo para i-report ang trahedya. Dito na nagsimula ang kanyang career bilang news reporter.
 


 

Puro trabaho at wala raw pakialam si Connie sa kanyang kalusugan noon hanggang sa maging host siya ng isang health show sa GMA, ang Pinoy MD. Sa ngayon, aktibo si Connie sa kanyang health makeover at pagbabawas ng timbang. Nag-enroll siya sa isang lifestyle program kung saan magbabawas siya ng 22 pounds sa loob ng tatlong buwan. Alamin kung paano niya ito ginagawa!
 

 Sa edad na 37, tatlo na ang anak ni Connie. Eighteen years old na ang  kanyang panganay na si Dani, samantalang sampung taong gulang naman ang pangalawa na si Gabbi, at ang kanyang bunso ay ang cute na si Maxine na sampung buwan pa lang. Ipinagmamalaki ni Connie na hands-on siya pagdating sa kanyang mga anak at asawa.
 

 Ayon kay Connie, ito na raw ang kanyang best life kung saan balanse ang lahat:  "Ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na magkaroon ako ng quality time for the kids, kasi for the longest time ang dami ko rin obligasyon sa trabaho."
 


 

Maging sa sariling magulang, hindi nakalilimot si Connie. Taong 1996 nang ma-comatose ng limang buwan ang kanyang nanay. Bagamat bedridden na, itinuturing daw niyang isang malaking himala nang magising ito.  Ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang bawat araw na kapiling niya ang pinakamamahal na ina. Abangan ang touching na tagpo sa Follow That Star kung saan nag-duet sila ng paboritong kanta ng kanyang nanay.
 

"God will make a way when there seems to be no way."  Ito ang lyrics ng kanilang kinanta. Hindi matatawaran ang halaga ng pamilya para kay Connie.  “I always belive na kapag may pinagdaraanan tayong problema na God is in control and that He knows best," pahayag niya.
 

Mapapanood ang kwento ni Connie Sison ngayong Sabado, Nobyembre 23 sa Follow That Star, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.