Filtered By: Newstv
NewsTV
Lyn Ching-Pascual on 'Follow That Star'
AIRING DATE: November 16, 2013
AIRING TIME: 8:00 PM
"I only work for three hours. It's very short. Ang puhunan ko lang ay laway ko. I am thankful for the job that I have."
Ito ang pahayag ng TV host na si Lyn Ching. Labing-tatlong taon nang napapanood sa umaga si Lyn sa Unang Hirit, ang morning show ng GMA 7.
Pagdating sa practical tips para sa mga nanay, si Lyn ang inaasahan diyan, kaya naman tinawag siyang Kumare ng Bayan.
Pero ang mundo ni Lyn ay hindi lamang sa trabaho umiikot dahil mas binibigyan niya ng oras at panahon ang kanyang dalawang anak.
Importante para sa kanya na active ang mga bata hindi lang sa eskwela kundi pati sa sports. Hectic ang schedule ng kanyang mga anak, mula soccer, arnis, mixed martial arts pati na rin sa baking at painting ay abala sila.
Pero hindi rin patatalo si Lyn! Aminado siya na malakas siyang kumain kaya naman tinutumbasan niya ito ng exercise. Ika nga niya, “I exercise to eat, I don’t exercise to lose weight and look skinny.” Naglalaro rin siya ng arnis at tennis at laman din siya ng gym tatlong beses sa isang linggo. Para sa kanya, dapat sineseryoso ang pag-e-exercise, hindi puwedeng kaunting pawis lang ay titigil ka na.
Talaga namang wonder mommy si Lyn dahil nababalanse niya ang oras sa sarili, sa career at sa pamilya.
Panoorin sa Follow that Star ang buhay ni Lyn Ching Pascual sa likod at harap ng camera ngayong Sabado, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.

Tags: prpost
More Videos
Most Popular