Filtered By: Newstv
NewsTV
Ipakikita ng 'Fashbook' kung ano ang mga uso sa Araw ng mga Puso
Ipakikita sa inyo ng Fashbook kung ano ang uso sa Araw ng mga Puso Airing Date: Fabruary 13, 2013 Ngayong Miyerkules, magbibigay ng ilang tips ang Fashbook host na si Solenn Heussaff para sa nalalapit na Valentine’s Day. Unang-una na diyan ang tamang pagsuot ng mga damit na kulay pula. Alamin kung anong shade ng pula ang nababagay sa bawat skin tone. Bukod sa pananamit, susubukan din ng Kapuso couple na sina Steven Silva at Diva Montelaba ang iba’t ibang pagkaing nakakapagpa-in love raw. Susubukan din ng dalawa ang isang espesiyal na spa treatment na bagay na bagay sa mga magde-date ngayong Valentine’s Day, ang Rose Ice Cream Scrub. Ang scrub daw na ito ay ginagamitan ng tunay na rose petals at mabisang anti-aging at nakakatulong sa pagpapaganda ng kutis. Susugurin din ng Fashbook ang closet ng real-life showbiz couple na sina Luane Dy ng Unang Hirit at Carlo Gonzales na dating Castaway naman sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown. Ipapakita ng dalawa hindi lang ang pinakatatago nilang damit at gamit kung hindi pati ang mga espesyal na regalo nila sa isa’t isa. Malalaman din ang nakaka-kilig na ligawan ng dalawa at ang mga plano nila ngayong Valentine’s Day. Para naman sa S-List o Solenn’s List, tuturuan ni Solenn ang mga kababaihan kung paano pumili ng lingerie na nababagay sa bawat body type. Patutunayan ng Fashbook host na kahit sino puwedeng maging confident at sexy habang nakasuot ng lingerie. Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10:00 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.
More Videos
Most Popular