Filtered By: Newstv
NewsTV

S-List: Ano nga ba ang trending sa fashion ngayong 2013?


Ngayong 2013, bago na naman ang fashion trends, kaya dapat nang mag-update ng ating closets. Para tulungan tayo, ipakikita sa atin ng Fashbook host na si Solenn Heussaff kung ano nga ba ang mga trending sa fashion this year.
 
 
GEOMETRIC PRINTS
Bagay raw sa lahat ang print na ito, pero payo ni Solenn, "Kung medyo on the heavy side kayo, better 'pag konti lang ang mga print" para hindi ma-emphasize ang malalaking parte ng katawan. Ibig sabihin, kaunting printed items lang ang gamitin sa buong outfit. Magsuot ng printed na jacket o 'di kaya'y ternohan ang printed na dress ng isang muted top. Kung payat naman, puwedeng gumamit ng print "from head to toe."

 
PASTEL COLORS/SHEER
Katulad noong nakaraang dalawang taon, uso pa rin daw ang mga ito. "Forever trending" din daw ang boyfriend shirts na may maluwag na cut at kadalasa'y casual ang look. Maaari ring gawing medyo formal kung isusuot na may sparkly dress sa loob at lalagyan ng belt. Sa ganitong paraan, mababawasan ang kinang ng damit, pero pormal pa rin.

 
KNITTED TOPS
Isa ito sa mga paborito ni Solenn. Sa nakaraang tatlong taon, usong-uso raw ang maluluwag na tops. Magandang paraan din daw ang pagsusuot nito para 'di mahalata kung sobrang payat o may katabaan ang nagsusuot. 

 
SPORTY DRESS
Ang sporty dresses daw, "usually may thick collar, may pang-polo na top, usually may zipper or may stripes." Pwede itong ternohan ng heels o sneakers, depende kung gusto niyong gawing casual or formal ang inyong look. Kung formal, ternohan din ito ng mahabang necklace or cuffs.

 
NEON COLORS
Mauuso pa rin daw ang neon colors ngayong taon, pero makikita raw itong ipinapares sa pale pastel colors sa fashion shows. 
 

 
STRIPES
Ang mga damit na may horizontal stripes, mas babagay raw sa mga payat. Kung medyo malapad, vertical stripes ang dapat isuot dahil "elongating" ang effect nito.

—Grace Gaddi/CM, GMA News TV