Filtered By: Newstv
NewsTV

Isang tagapag-alaga ng baboy, bibigyan ng engrandeng kasal sa 'Day Off'


Date of Airing: February 13, 2016

 



Katatawanan at kasalan, ‘yan ang dapat abangan ngayong Sabado sa Valentine episode ng Day Off.

Kilalanin si Raymond Bagsik ng Bulacan na bukod sa pamamasada ng tricycle ay namamasukan din bilang tagapag-alaga ng baboy para masustentuhan ang pangangailangan ng kasintahan at anak. Dahil sa kanyang sipag, isang kakaibang day off ang naghihintay kay Raymond.

 


Ngayong Araw ng mga Puso, ang pangarap ni Raymond na ikasal sa kanyang kasintahan ay magkakaroon ng katuparan. Siyempre pagkatapos ng kasalan, honeymoon naman!  Para sa isang engrandeng day off,  lilipad ang segment host na si Maey Bautista at ang bagong kasal sa isa sa sikat na honeymoon destinations  sa Pilipinas, ang Boracay! Para naman hindi magmukhang third wheel si Maey, sasamahan siya ng trending boy sa internet na si Boy Hugot.

 


Habang nagpapakasaya sina Maey at Boy Hugot sa Boracay, kumakayod naman ang  Day Off hosts na sina Mike "Pekto" Nacua at Julie Anne San Jose sa Bulacan. Sila kasi ang naatasan para pumalit kay Michael na magtrabaho bilang tagapag-alaga ng baboy. Mula sa paglilinis ng kural hanggang pagbibigay ng TLC o tender loving care sa mga baboy, pasado kaya ang dalawa?

 


Isang episode na puno ng kulitan at pag-ibig ang dapat abangan ngayong Sabado sa Day Off, 6:10PM sa GMA News TV.

Tags: prstory