Filtered By: Newstv
NewsTV

Babaeng construction worker, binigyan ng 'Day Off'


DAY OFF
May 31, 2015

Mga machong kalalakihan ang madalas nating nakikita sa construction site dahil sa lakas na kinakailangan para sa mabibigat na trabaho rito. Pero ibahin ninyo ang aming Day Off winner this week na si Marilou Cabusao. Bilang isang lady construction worker, hindi raw siya naniniwalang mundo lang ng mga Adan ang construction site dahil kahit ang mga katulad niyang Eba, kayang-kaya ring magreyna rito.



Mula sa pagpukpok, pagbuhat ng mga bakal at hollow blocks, paghalo ng semento, hanggang sa pagtibag ng matitigas na bato, sisiw lang daw ang mga ito kay Ate Marilou. Sa katunayan, dalawangpung taon na niyang ginagawa ito.



Ngayong Sabado, battle of the sexes ang eksena nina Julie Anne at Pekto sa pagiging construction worker. Mapanindigan kaya ni Julie Anne na kayang-kaya ng girls ang panlalaking trabaho? O tuluyang mapapatunayan ni Pekto na walang binatbat ang mga kababaihan sa construction site?

Samantala, sa Sagada naman dadayo sina Maey at Ate Marilou kasama ang kaniyang family para sa isang refreshing at malamig na Day Off escapade. Tutuklasin nila na ang mayamang kultura ng Highlanders at may side trip pa sa magagandang tanawin ng Sagada.

Kaya tumutok lang palagi every Saturday, 6:15 PM, sa programang nagbibigay ng kasiyahan, kaalaman at experience na hindi malilimutan, ang Day Off!

Tags: prstory