ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Julie Anne San Jose, naging kolektor ng kaning-baboy sa 'Day Off'

Day Off
Kaning-baboy Collector
March 28, 2015
Apatnapu't dalawang taon nang nangongolekta ng kaning-baboy at nag-aalaga ng biik ang ating "Day Off" winner ngayong Sabado na si Manuel Sarmiento. Sa kanyang edad na 63 ay kinakaya pa rin niyang maglinis ng kural, magpakain at magpaligo ng baboy, at magtulak ng kariton para mangolekta ng kaning-baboy sa kanilang lugar.
Sa gilid ng sapa nakatayo ang kanilang bahay at kasama na rito ang kulungan ng baboy. Sa tuwing bumabaha, hindi sila nakadadaan sa tulay kaya naisipan niyang gumawa ng kable at kalo para ilipat ang mga nakolekta niyang kaning-baboy.
Sa ngayon, may 10 biik siyang inaalagaan. Naibebenta na niya ang mga biik sa halagang 7,000-7500 pesos kada biik. Importante rin kay Tatay Manuel na malinis ang kanyang kapaligiran kaya may sarili siyang poso negro para sa dumi ng kanyang mga alaga para wala ring reklamo ang kanyang mga kapitbahay. Ang hanapbuhay niyang ito ang tumutustos sa pangangailangan ng kanyang buong pamilya. Kaya kahit matanda na, hindi raw maaaring magpahinga ang ating masipag na bida.


Ngayong Sabado makakamit na ni Tatay Manuel ang inaasam niyang "Day Off." Ang Asia’s Diamond Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose at You’re my Foreignay Dance Diva Dasuri Choi ang pansamantalang papalit sa kanyang trabaho at magpapagalingan sa pagkanta at pagsayaw para makakolekta ng kaning-baboy. Mag-aalaga rin sila ng makukulit na biik ni Tatay Manuel. Kayanin kaya nila ang amoy ng kural at kaning-baboy?
Samanatala, sasamahan naman ni Maey B. si Tatay Manuel at ang kanyang pamilya sa isang summer escapade sa Queen City of the South, Cebu City! Bilang mga first timer sa Cebu City, all out ang "Day Off" package para sa ating "Day Off" Winner.
Hindi lang nila lilibutin ang Cebu City kung hindi mararanasan na rin nila ang isang underwater tour at whale shark encounter sa Oslob, Cebu. Dagdag pa riyan ang katakam-takam na pagkain ng Cebu at five-star hotel accommodation para sa buong pamilya. Talaga namang minsan show, madalas awesome adventure ang "Day Off" package ni Tatay Manuel!
Kaya wag nang magpahuli, tumutok lang lagi sa trending show every 6:10pm ng Sabado, DAY OFF!
More Videos
Most Popular