Filtered by: Newstv
NewsTV
Juan for All, All for Juan sa 'Reel Time'
REEL TIME
JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN Airing date: March 18, 2012
'Bayanihan of the Pipol' ang kailangan para manalo ng papremyo - ito ang ipinaparating ng isang uri ng 'bayanihan' na pinasikat ng nangungunang noontime show na Eat Bulaga. Taong 2010 nang inilunsad ang Juan for All, All for Juan. Isang maikling segment lang ito noon sa Eat Bulaga pero ngayon, ito na ang nagsisilbing highlight ng show! Hindi na nga kailangan pang pumila sa Broadway para magka-tsansang makauwi ng pera at papremyo. Dahil sa pamamagitan ng Juan for All, All for Juan, ang Eat Bulaga na ang lumalapit sa mga barangay sa buong bansa. Sa kasalukuyan, humigit kumulang 400 barangay na ang kanilang napuntahan at natulungan. Kaya naman talagang inaabangan ang swerteng hatid ng Juan for All, All for Juan ng bawat barangay sa bansa. Kasabay nga raw ng pamimigay ng saya at papremyo ay ang pag-angat ng diwa ng bayanihan. Sino ang mag-aakala na ang basurang plastic bottles na naiipon sa bawat Juan for All, All for Juan ay ginagawang upuan para sa mga kapuspalad na eskwelahan! Naglalakihang papremyo, pag-asa't tulong sa iba at sinamahan pa ng isang libo't isang tuwa ang hatid ng buong Dabarkads ng Eat Bulaga! Patuloy na kinikiliti ang ating panlasa ng kasalo natin sa pananghalian sa loob ng mahigit tatlong dekada. Muling tunghayan ang mga kwento ng saya, swerte, at bayanihan at maki-sugod kasama si Bossing at ang buong sugod bahay gang sa Reel Time presents Juan for All, All for Juan, ngayong Linggo 10:00 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular