Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga aksidenteng nagaganap sa pedestrian lane, tatalakayin sa ‘Brigada’


BRIGADA
July 10, 2018
8 PM sa GMA News TV

DAGA

Hindi bababa sa 100 na ang namatay ngayong lampas kalahati na ng taon dahil sa bagsik ng leptospirosis, isang nakamamatay na impeksyon dulot ng bacteria mula sa ihi ng daga. Karamihan sa mga ito ang lumusong sa baha nitong mga nagdaang araw na malakas ang ulan.  Inaasahang dadami pa ang tatamaan ng leptospirosis dahil sa patuloy na banta ng masamang panahon. 

Pero ang mga naglipanang daga nga ba ang dapat sisihin, o tayong mga tao ring pinagmumulan ng mga basurang paraiso para sa mga pesteng bubwit? Naglibot si Cesar Apolinario sa Aroma, Tondo sa Maynila kung saan tila wala nang takot sa mga tao ang mga dagang matatagpuan dito.

PED XING

Dinisensyo ang pedestrian lane para maging pinakaligtas na bahagi ng kalsada para sa mga taong gusting tumawid. Pero dito sa Pilipinas, may pagkakataon na kabaligtaran ang silbi nito dahil dito rin mismo tila nakikipagpatintero ang mga pedestrian sa mga motorista. Dahil dito, hindi na rin maiwasan ang pagkakaroon ng mga aksidente at pagkamatay na nangyayari sa mga pedestrian lane. 

Sinuri ni Tricia Zafra kung bakit nga ba tila hindi nirerespeto ang pedestrian lane sa ating mga lansangan.

Tags: plug