Panghuhuli ng mga tambay, tatalakayin sa 'Brigada'
BRIGADA
June 26, 2018
8 PM sa GMA News TV
KONTRA TAMBAY?

Magmula noong ipinaigting ng pamahalaan ang mga ordinansang saklaw ng anti-tambay, mahigit walong libo na ang nahuhuli. Pero paglilinaw ng Philippine National Police, hindi lang daw ito bastang pag-aresto kundi pagpapaigting lang ng mga lkcal na ordinansa. Hinihikayat naman ng Commission on Human Rights ang mga pulis na isuspende ang ganitong operasyon, ayon sa kanila bago magpatupad ng ganitong hakbangin maglatag muna ng kumprehensibong guidelines para maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao.

Sumama si Joseph Morong sa mga pulis sa kanilang panghuhuli sa mga tambay na lumalabag sa mga ordinansa at sinuri ang alegasyon na ngnangyayaring pang-aabuso.
GAMING ADDICTION

World Health Organization na ang nagsabi, ang online gaming addiction maituturing na isang disorder. Ang matagal na paglalaro ng online games ay maaaring magdulot ng negatibong pagbabago sa pag-uugali at kalusuganng bawat gamer. Ang karaniwang sintomas nito ang kawalang control sa paglalaro at mas binibigyan ng prioridad ang paglalaro sa mga mas importanteng bagay tulad ng pag-aaral. Isa si Mhary sa nakaranas nito, sa edad na 23, na-stroke na.

Ang posibleng dahilan din daw nito ay labis na pagtutok sa computer games. Inalam ni Mav Gonzales ang mundo ng online gaming at kung paano malalampasan ang ganitong adiksyon.