Filtered By: Newstv
NewsTV

Tradisyon ng mga Pinoy sa piyesta, tatalakayin sa ‘Brigada’


BRIGADA
MAY 15, 2018
8 PM sa GMA News TV

PISTANG PINOY

Isa sa mga pinakaaabangang okasyon sa maraming komunidad dito sa Pilipinas, lalong lalo na sa mga probinsya, ang pagdiriwang ng piyesta. Dito hindi lang bumabaha ng bisita, pagkain, kundi pati na ng kasiyahan. 

Mula pa noong panahon ng mga Kastila, isinasabuhay pa rin natin ang tradisyong ito bilang pasasalamat sa mga santong patron para sa nagdaang taon na puno ng biyaya. Makikipista si Katrina Son sa nagdaang piyesta ng Paombong, Bulacan.

SARANGGOLA

Bahagi ng pagiging bata ang mangarap na makalipad sa alapaap at maabot ang kalangitan. At dahil wala tayong kakayahang gawin ito, nagkakasya na lang ang ilang kabataan sa pagpapalipad ng saranggola. 

Gamit lamang ang plastik, tingting, at pisi, malayong mundo ang nararating ng ating imahinasyon. Muling sinariwa ni Victoria Tulad ang alaala ng kanyang kabataan sa pamamagitan ng paggawa at paglarga ng sarili niyang saranggola.