Filtered By: Newstv
NewsTV

Kultura ng inuman sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Brigada'


 


Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World Bank noong 2015, pang- siyam ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang malakas uminom sa buong Asya. Kaya naman hindi nakakapagtataka kung may mga lugar na tila karaniwan na ang makakita ng umpukan ng mga manginginom sa kanto.

 


Ang mga ganitong kasiyahan, bahagi na raw ng kulturang Pilipino.  Dito naipapamalas ang pakikiisa, pakikipagkaibigan, at pagiging masayahin natin.  Pero ang pag-inom, masama rin kapag nasobrahan.  Hindi lang kasi kalusugan ang pwedeng maapektuhan nito kundi ang relasyon din sa kapwa.

 


Ngayong Martes, papasukin ni Cesar Apolinario ang mundo ng mga mahilig uminom para alamin kung ano nga bang mayroon sa alak para tangkilikin ito ng marami sa ating mga kababayan.  Aalamin naman ni Nelson Canlas ang panganib na dulot ng labis na pag-inom.

English:

According to a World Bank study in 2015, the Philippines ranks 9th in the list of countries with the most number of alcohol drinkers in Asia.  Binge drinking is common in some of Metro Manila’s communities where in almost every corner, people gather to drink…on a regular basis.

Drinking sessions are said to be part of the Filipino culture.  It shows camaraderie in a diverse community. However, if done excessively, it can pose health problems and affect relationships as well.   

This Tuesday, Cesar Apolinario visits a community in Metro Manila to find out from alcohol drinkers themselves what draws them to alcohol.  Nelson Canlas also looks into the dangers of excessive drinking.