Filtered by: Newstv
NewsTV

Mga aksidente sa Marilaque Highway, tinalakay sa 'Brigada'


 


MARILAQUE

“Resing-resing” (racing-racing) ang marami sa mga kababayan nating riders sa tuwing napapadpad sa Marilaque – isang highway na bumabagtas sa mga kabundukan mula Marikina hanggang Quezon province. Kaya naman sa halip na ma-enjoy ang mga tanawin habang nagra-ride dito, nauuwi ang ilan sa semplang at aksidente. Hindi tuloy maiwasan na maging ilag sa kalsadang ito ang ilan dahil sa reputasyong lapitin daw ito sa disgrasya. Sinuri ni Chino Gaston kung ano nga ba ang sanhi ng mga naitatala ritong mga aksidente sa daan.

 


VACATION GONE WRONG

Nagsisimula pa lang ang tag-init, kaya naman kaliwa’t kanan na rin ang outing at swimming ng ating mga kababayan. Para sa mga nakatira malapit sa lalawigan ng Rizal, dinarayo ang Wawa Dam ng mga nagnanais na maglublob at mag-swimming para mapawi ang init na dala ng panahon. Sa kabila nito, may ilang napaulat ding mga insidente ng pagkalunod sa lugar na ito, at ang itinuturong dahilan – may hindi raw maipaliwanag na nilalang na nanghihila diumano ng mga turistang natitipuhan nitong mabiktima. Inalam ni Bam Alegre kung may katotohanan nga ba ang kwento-kwentong ito.

Tags: karadavid