Filtered By: Newstv
NewsTV
Barangay kambal ng Pangasinan, tampok sa 'Brigada'
BARANGAY KAMBAL
Sa pinakahuling census ng mga health worker sa Barangay Amalbalan sa Dasol, Pangasinan, lumalabas na isa sa kada dalawampung tao sa kanilang lugar ang kambal. Tila misteryo para sa mga residente ang pambihirang kasong ito. Pero paniwala nila, nag-ugat sa pagkain ng mga nagdadalang-tao rito ng kambal na saging kung kaya may mga kambal din at kung minsa’y triplets pa sa kanilang lugar. Inalam ni Mav Gonzales kung may basehan nga ba ang paniniwalang ito ng mga residente ng Barangay Amalbalan.
MOVING UP
Ang Parañaque National High School ang mataas na paaralan sa Metro Manila na may pinakamalaking bilang ng high school na estudyante sa kasalukuyan. Katunayan, mahigit dalawang libong mga estudyanteng nasa Grade 10 ang naging bahagi kamakailan ng isa sa mga pinakahihintay na pagdiriwang sa kanilang paaralan – ang moving up ceremonies kung saan ang mga nabanggit na mag-aaral, sasampa na sa mundo ng senior high school bilang bahagi ng K-12 program ng gobyerno. Nasaksihan ni Bam Alegre na hindi hadlang ang malaking populasyon ng mga estudyante, pati na ang pinagdadaanang pagsubok at kahirapan ng ilan sa mga mag-aaral, sa pag-abot nila sa pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.
Tags: pr
More Videos
Most Popular