Filtered By: Newstv
NewsTV

Jubilee Churches ng Laguna, bibisitahin sa 'Brigada'


SENAKULISTA


Taun-taon ‘pag sumasapit ang panahon ng Mahal na Araw, maraming mga Katoliko ang may kanya-kanyang paraan ng pagpapakita ng debosyon, sakripisyo, at pagsisisi sa mga kasalanan. Para sa mga miyembro ng Samahang Nazareno, Inc. ng Cainta, Rizal, isinasagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatanghal ng senakulo o kwento ng buhay, pagpapakasakit, at kamatayan ni Hesukristo. At dahil pawang mga ordinaryong tao lang na wala namang anumang pagsasanay sa pagtatanghal at pag-arte, dugo’t pawis ang iniaalay ng bawat miyembro ng kanilang produksyon, mula mga artista hanggang sa taong nasa likod ng entablado. Nasaksihan ni Victoria Tulad ang dedikasyon at husay ng grupong ito ng mga senakulista.

JUBILEE CHURCHES NG LAGUNA


Ngayong taon, labingdalawang simbahan ang idineklara ng Diocese of San Pablo na kabilang sa Jubilee Churches na kinikilala ngayon ng Vatican bilang destinasyon ng mga nagnanais na magsagawa ng pilgrimage bilang bahagi ng paggunita sa Mahal na Araw ngayong taon. Sa mga gustong makibahagi sa gawaing ito, isang pilgrim’s passport o libretto ang siyang gabay na magtatakda ng mga Jubilee Church na pwedeng puntahan, pati na ang mga gawain at dasal na nararapat sundin sa bawat isa sa mga simbahan. Tinungo ni Mariz Umali ang tinaguriang labingdalawang Jubilee Churches ng Laguna.