Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu ng mga residente ng Isla Capul, Northern Samar, sisiyasatin ng 'Brigada'


“DUGYOT NA OUTING”



Sa init ng panahon ngayon, kanya-kanyang sugod na ang ating mga kababayan sa iba't ibang summer destinations. Pero ang iba, imbes na sa mga white sand beach at relaxing na resort mag-outing, mas pinipiling sa mga dugyot na pasyalan mag-swimming! Isa sa mga patok ngayong puntahan ang Manila Bay na hindi lang mayroong pamosong sunset, kundi tadtad din ng nakasusulasok na basura! Oo nga't libre nilang naiibsan ang nararamdaman nilang init sa katawan, pero deadma na lang daw sila sa masasagap nila ritong sakit at kati-kati sa katawan. Magkakaalaman na kung kakayanin ng sikmura ni Bam Alegre ang peligrong dala ng paliligo sa Manila Bay.

 

“ISLA CAPUL”



Isang mayamang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang galleon trade noong panahon ng mga Espanyol. Nagsilbi itong tulay para makarating sa bansa hindi lang ang iba't ibang uri ng kalakal kundi naging tagapaghatid din ng kultura mula sa mga banyaga. At isa sa mga naging daanan ng ruta nito ang tahimik na islang bayan ng Capul sa Northern Samar. Magpahanggang ngayon, makikita pa rin dito ang mga bakas ng nakaraan tulad ng mga lumang istruktura at simbahan. Idagdag pa sa halina ng isla ang mga white sand beaches na iilan pa lang daw ang nakapupunta. Pero sa kabila ng biyayang hatid ng turismo, may iniinda raw na pagsubok ang mga lokal dito. Dumayo roon si Athena Imperial para alamin kung ano ito
Tags: pr