Filtered by: Newstv
NewsTV
#BrigadaEleksyonSerye

Mga hinaing ng mga magsasaka, pakikinggan ng 'Brigada'


BRIGADA ELEKSYON SERYE: MAGSASAKA

 


Bagamat maituturing na isang agrikultural na bansa ang Pilipinas,  nananatiling ikalawa sa pinakamahirap na sektor ang mga magsasaka. Sa kabila kasi ng malalawak na lupaing sakahan sa bansa, pangunahing isyu ang kakulangan o hindi kaya lubusang kawalan ng sariling lupa ng mga magsasaka pati na ang sapat na irigasyon para rito. Kaya naman ang mga magsasakang maski araw-araw na magbanat ng buto para sana makapaghatid ng bigas na inihahain natin sa ating mga hapag, patuloy raw ang paglubog sa kahirapan. Inalam ni Bam Alegre kung ano ang dahilan sa tila patuloy na paghihirap ng mga magsasaka sa bansa.

ANG HULING MAMOMOTOG

 


Marahil karamihan sa atin kilala lang ang probinsya ng Quirino bilang isa lang sa mga lalawigang matatagpuan sa hilagang Luzon. Subalit lingid sa ating kaalaman… nagtataglay ng mayamang kultura at kasaysayan ang bayang ito na ipinangalan sa dati nating pangulong Elpidio Quirino. Ilan sa mga ito ang kasalukuyan pa ring pananahan dito ng mga katutubong Ilongot na minsang kinatakutan sa rehiyong ito dahil sa kultura nila ng “pagpopotog” o pamumugot ng ulo. Sinubukang hanapin ni Mav Gonzales ang huling mamomotog ng tribong Ilongot para alamin ang mayamang kultura nila.
Tags: pr