Filtered By: Newstv
NewsTV
#BrigadaEleksyonSerye

Mga kayod marinong mangingisda, tampok sa 'Brigada'


KAYOD MARINO

 


Sa ikalawang bahagi ng election series ng Brigada, sisiyasatin ni Tricia Zafra ang mga isyung kinakaharap ng sektor ng mga mangingisda. Pinuntahan ni Tricia ang isang pamayanan ng mga mangingisda sa Rosario, Cavite kung saan halos 70 mga mangingisda ang gumagamit ng compressor sa pagsisid.

Ilan sa kanilang mga kasamahan, namatay o di kaya nabaldado na. Pero hindi ito naging hadlang para patuloy pa rin nilang iasa sa compressor ang bawat pakikipagsapalaran nila sa pusod ng karagatan.

FINAL DESTINATION

 


Madalas mag-viral online ang mga aktwal na video nang salpukan at aksidente ng mga sasakyan na na-hulicam ng mga CCTV at cellphone camera.  Tila ba lahat tayo nagiging eyewitness sa malalagim na kinahinatnan ng ilang motorista. Nito nga lang nakaraang linggo, sumalpok sa isang puno sa Sta. Barbara, Pangasinan ang sasakyan na naglalaman ng limang estudyante, dalawa sa mga ito, patay, kasama na ang driver nito. Base sa datos ng Highway Patrol Group, umabot sa dalawapu’t limang libong kaso ang aksidente sa daan noong 2015, triple ang laki kumpara sa tala noong 2012.

 


Sa ulat ni Jay Sabale, inalam niya kung bakit nga ba tumataas ang bilang ng mga aksidente sa kalsada.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan sa BRIGADA, ngayong Martes 8pm sa GMA News TV.

 

Tags: pr