Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga tradisyonal na pagkain tuwing Pasko, ihahain ng 'Brigada'
“LIMOT NA PUTAHE”
Ang kilala natin ngayong Pinoy noche Buena, pinagbibidahan ng hamon at keso de bola. Pero minsan sa ating kasaysayan, naging bahagi ng hapag tuwing Pasko ang mga putahe tulad ng Cabeza de Jabali, Estofadong Pata, at Nilagang Pasko. Nagkaroon ng pagkakaraon si Mav Gonzales na matikman ang mga masasarap na tradisyunal na pagkaing nagpapainit sa malalamig na Disyembre ng mga Pilipino noong araw.
“POSITIBO”
Para sa mga taong may HIV o human immunodeficiency virus, kalbaryo na ang paghina ng katawan maging ang nagiging tingin sa kanila ng lipunan dahil sa kanilang karamdaman. Subalit para sa mga batang walang kalaban-labang minana ang sakit na ito mula sa kanilang HIV positive na mga magulang, tila habambuhay na pagsubok ang naghihintay sa kanila. Inalam ni Tricia Zafra kung anu-anong ang pinagdaraanan nila, at kung may natitira pa bang pag-asa para sa mga batang may HIV.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular