Filtered By: Newstv
NewsTV
Mundo ng mga batang gangsta, papasukin ng 'Brigada'
BATANG GANGSTA
Ang Tondo sa Maynila ang tila naging kanlungan na ng ilan sa mga pinakatalamak na gang na sinasalihan lalo na ng mga kabataan. Ang masaklap dito, ang ideya nila ng kapatiran at matibay na samahan, nakaugat sa karahasan – sapul sa kung paano sila nagsimula sa grupo hanggang sa riot na naglalayong protektahan ang kani-kanilang mga teritoryo. At tila mas nakababahala pa, ang mga kasapi rito, hindi bababa sa edad trese anyos at bihasa na sila sa paghawak ng mga nakamamatay na armas. Pinasok ni Bam Alegre ang mundo ginagalawan ng mga batang gangsta.
SAPATOS
Kapag sinabing gawang Marikina ang sapatos na suot mo, hindi matatawaran ang angking tibay nito. Sa pagkapulido kasi ng manu-manong pagkakagawa rito, ‘ika nga’y mauuna pang mamuti ang mata mo bago pa mapudpod ang swelas nito. Pero sa pagpasok ng mga bagsak-presyong sapatos na made in China, tila nanamlay ang dating masiglang industriya ng sapatos sa Marikina. Labis na ikinababahala ito ng mga trabahador at negosyanteng umaasa sa paggawa ng sapatos. Inalam ni Lala Roque kung paanong pinipilit na buhayin ng mga gumagawa ng sapatos ang kanilang industriya sa gitna ng modernong panahon at matinding kompetisyon.
Tags: pr
More Videos
Most Popular