Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang pinakamatandang mambabatok na si Apo Whang Od, ating kilalanin sa 'Brigada'


“ANG HULING MAMBABATOK”
Kilala ang mga tribo sa Kalinga sa kanilang malalaki at detalyadong mga tattoo sa kanilang katawan. Ang tradisyon nilang ito ng pagbabatok o paglalagay ng mga tattoo, nanganganib nang maglaho. Mabuti na lang at naipagpapatuloy pa rin ito ng natitirang orihinal na mamababatok ng Kalinga na si Apo Whang-od. At sa edad niya ngayong 97, marami ang nagmumungkahing kilalanin siya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining. Tumungo sa Kalinga si Mav Gonzales para kilalanin si Whang-od at ang sining ng pagbabatok at para na rin mamarkahan sa balat ng itinuturing ng institusyon sa pagta-tattoo sa bansa.
 
“ABO AT TUBIG”
 
Pag-uuling ang isa sa pinaka-pangunahing pinagkakakitaan ng ilang mga residente sa Catmon, Malabon. Ang hanapbuhay na ito, nagiging isa na ring mabigat na pagsubok. Mahirap na nga ang trabaho, tila pinagkakaitan pa sila malinis na tubig na maipanglilinis sana sa marurungis nilang mga katawan. Isa kasi ang kanilang lugar sa maraming komunidad sa bansa na walang maayos na linya ng patubig. Nasaksihan ni Victoria Tulad ang iba’t ibang diskarteng ginagawa ng mga residente para mapagkasya ang naiigib nilang kakarampot na tubig.
Tags: pr, whangod