Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu ng pagkalulong ng kabataan sa alak, sisiyasatin ng 'Brigada'


"LAKLAK"
 
Ayon sa isang pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, aabot sa 5.3 milyong kabataang Pilipino ang umiinom ng alak. Ito’y sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa batas ng pagbebenta ng alak at anumang nakalalasing na inumin sa mga menor de edad. Subalit para sa isang bansang tila na parte na ng halos lahat ng okasyon ang pakikihalubilo sa pamamagitan ng pag-inom at pagtoma, may ilan na tila nasosobrahan.  May magagawa pa ba para makaiwas sa pagkalulong dito ang ilan nating mga kababayan? Tinutukan ni Jay Sabale ang iba’t ibang isyu’t usapin tungkol sa alak.

“ISLANG UHAW”

 
Ang bayan ng Tingloy sa Batangas, bagamat isang islang bayan at kung tutuusi’y hindi naman gaano nalalayo sa kabihasnan, tila nahaharap sa isang suliranin – ang pagsubok ng mga residenteng matagal ng uhaw sa mga pasilidad na maghahatid sa kanila ng malinis na tubig. Hindi rin kasi sapat ang tubig na naiigib mula sa mga posong malayo sa mga sitio at barangay na matatagpuan sa kabundukan. Ito, pati na rin ang banta ng umiiral na El Niño, ang kailangang pagtiisan ng mga residente para lang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan sa malinis na tubig. Inalam ni Lala Roque kung may pag-asa pa nga bang dumaloy sa mga taga-Tingloy ang ginhawa.
 
Tags: pr, prstory