Filtered By: Newstv
NewsTV

Traffic sa EDSA, isyung sisiyasatin sa 'Brigada'


Brigada
Date of airing: September 15, 2015, 8 PM, GMA News TV

TRAFFIC
Mahigit dalawang bilyong piso ang halagang nasasayang ng dahil lang sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila. Base ito sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA noon pang 2012. Matapos ang tatlong taon, tila palala pa ng palala ang pinagdurusahang traffic ng ating mga kababayan.  Hanggang sa umabot sa punto ngayong maging mga armadong elemento ng PNP-HPG o Highway Patrol Group… kinailangan nang manduhan ang problemang ito. Sinubukang alamin ni Chino Gaston kung may pag-asa pa nga bang malutas ang kalbaryong pinagdaraanan ng mga kababayan nating commuter at motorista hindi lang sa kahabaan ng EDSA kundi maging sa buong Kalakhang Maynila.
 
SORE EYES
Kagaya ng ubo’t sipon,  isa sa mga pinaka-pangkaraniwang impeksyon lalo na ngayong pabago-bago ang panahon ang conjunctivitis o sore eyes. Pero dahil sa perwisyong hatid nito lalo na ang hirap ng pagkakaroon ng mapupula, makakati, at nagmumutang mga mata… tila salot itong pinangingilagan. Subalit mayroong mga nahawaan nito na para lang makaramdam ng ginhawa, kung anu-anong mga hindi ligtas na solusyon ang isinasagawa, kabilang na ang pagpapatak sa mata ng gatas ng ina, pati na sariling ihi! Inalam ni Mav Gonzales ang mga tamang pamamaraan sa paggamot sa makating sore eyes.

 
Tags: pr, prstory