Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga 'Diskarteng Sikmura' ng mga Pinoy, aalamin ng 'Brigada'


Bekinese



Noong isang linggo, isang kakalurkey na chorva ang wagi sa social media. Video itey ng afam at kanyang pudra na umiispluk ng career na bekinese sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Kahit pa pawang mga straight, pak na pak ang kanilang rampage dahil ang mga utaw na kanilang nakausap… windang at wititit ma-say! Pero seryoso, isang halimbawa lang ito na ang bekinese o gay lingo na patuloy binabago ang wikang araw-araw nating ginagamit sa pakikipagtalastasan. Aminin man kasi natin o hindi, tila unti-unti na nating naihahalo sa wika nating Filipino ang makukulay nitong salita. Inalam ni Nelson Canlas ang mga salitang ito, at kung bakit pumapatok na rin ito maging sa mga taong hindi bahagi ng LGBT community.
 
Diskarteng Sikmura


Ayon sa pinakahuling pag-aaral, humigit kumulang 2.8 milyong Pilipino ang nagugutom sa ating bansa. Bagamat sinasabing ito na ang pinakamababang tala sa loob ng sampung taon, tila mahirap pa rin tanggapin na mayroon pa ring mga nagugutom sa Pilipinas na maituturing na sagana pa man din sa likas yaman. Sa kabila nito, nakaiisip pa rin ng iba’t ibang paraan ang ating mga kababayan para madiskartehan ang kumakalam na sikmura. Nasaksihan ni Tricia Zafra kung hanggang saan ang kayang gawin ng Pinoy para matiyak ang pang-araw-araw na laman-tiyan.
 
Tags: pr