Filtered By: Newstv
NewsTV
Problema sa basura at mga nakakubling estero ng Maynila, sisiyasatin ng 'Brigada'
BRIGADA
June 14, 2015
8 pm sa GMA News TV
BASURA: TRAHEDYA AT BIYAYA
Gabundok na nga ang problema natin sa basura pero tila unti-unti pa itong nadaragdagan imbes na nababawasan sa paglipas ng panahon. Patunay dito ang kondisyon ng ilan nating mga kababayan, lalo na ang mga batang namamasura, na hindi na nakawala sa pangangalakal para lang mabuhay. Pero tama bang dagdagan pa ang mga basura sa ating mga tambakan at maging bagsakan pa ng kalat mula sa ibang bansa? Ilan lang ang ito sa mga isyu tungkol sa basura na binungkal ni Hadji Rieta.
MGA NAKAKUBLING ESTERO NG MAYNILA
Sa magkakasunod na pagpasok ng mga bagyo sa ating bansa nitong mga nakaraang araw, muling lumutang ang problema sa pagbabaha sa kalakhang Maynila. At isa sa mga itinuturong dahilan ay ang paglalaho ng mga esterong natural naman dapat na dinadaluyan ng tubig lalo na sa lungsod ng Maynila. Kung hindi kasi ginawang tirahan o basurahan, tuluyan na itong isinara't tinabunan para tayuan ng iba't ibang mga istruktura. Gamit ang mga lumang mapa ng Maynila, sinubukang tuntunin ni Jay Sabale ang kinaroroonan ng mga nakakubling estero ng Maynila.
More Videos
Most Popular