Filtered By: Newstv
NewsTV

Kakulangan ng mga bike lane sa Metro Manila, tatalakayin sa 'Brigada'


BRIGADA
Martes, Abril 28
8 PM sa GMA News TV
 


 
TULAY NG BUHAY
Ulat ni Chino Gaston




 
Dalawang siklista ang namamatay kada linggo dahil sa tila pakikipagpatintero nila sa mga sasakyan sa lansangan. Kahit pa may kakulangan sa mga ligtas na bike lane sa Metro Manila, mas pinipili pa rin ng ilan nating mga kababayan na araw-araw makipagsapalaran sa pagbibisikleta papasok sa trabaho para lang makatipid sa pamasahe. Sinubukan ni Chino Gaston ang mga pinagdaraanang pagsubok ng mga siklistang bumabagtas sa kalsada.
 
 
PAGSUBOK NI DINGDONG
Ulat ni Tricia Zafra




 
Kahit pa may kakaibang kondisyon, pinipilit ng siyam na taong gulang na si Dingdong na mamuhay nang normal. Madalas kasi siyang nahihiyang makihalubilo sa ibang mga tao dahil sa kanyang Barber Say syndrome, isang genetic disorder kung saan hindi normal ang pagkakabuo ng iba't ibang parte ng kanyang mukha't katawan. Pero sa kabila nito, nakita ni Tricia Zafra kung paano napapawi ng mga simpleng kaligayahan ni Dingdong ang kanyang mga problema.