Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pagkaing patok ngayong 2015, tampok sa 'Brigada'


BRIGADA
Martes, Marso 24
8 PM sa GMA News TV



 
CACAO DE DAVAO
Ulat ni Tek Ocampo


 
Maliban sa durian, nakikilala na rin ngayon ang Davao sa kanilang industriya ng cacao. At ngayong may sinasabing kakulangan daw ng suplay ng cacao sa produksyon ng tsokolate sa buong mundo, malaki ang potensyal para tangkilikin din ng mga pagawaan ng tsokolate sa ibang bansa ang cacao mula sa Davao. Binisita ni Tek Ocampo ng GMA Davao ang papausbong na industriya ng cacao roon.
 
PAGKAING PATOK
Ulat ni Cata Tibayan


 
Bukod sa fashion, personalidad, mga gadget, at kung anu-ano pa madalas nagkakaroon ng forecast tuwing bagong taon kung ano ang mga magiging in at uso. Pero napapanahon na raw para isama sa listahang iyan ang iba't ibang mga pagkaing papatok ngayong 2015! Ito rin daw kasi ang panahon kung kailan lubusang bibida sa buong mundo ang pagkaing Pinoy na minsan na ring  napansin ng ilang mga food critic sa ibang bansa. Natikman ni Cata Tibayan ang mga pagkaing pasok sa ating panlasa ngayong 2015!

TARA NA SA SAGADA
Ulat ni Cedric Castillo
May ilang para matakasan ang nakapapasong init ng panahon ngayon, dinarayo ang tagos sa butong lamig ang hinahanap-hanap ng katawan. At sa ganitong panahon nga raw pinaka-patok mamasyal sa Sagada kung saan ang sasalubong sa'yo ay ibang klaseng katahimikang malayo sa magulong siyudad na sinamahan ng tamang timpla ng kakaibang adventure at mayamang kultura! At ang natatanging Sagada experience na ito, tiyak daw na hindi malilimutan ni Cedric Castillo.