Filtered By: Newstv
NewsTV

Black sand quarrying sa Quezon, susuriin sa 'Brigada'


BRIGADA
Martes, Marso 3
8 PM sa GMA News TV-11



BLACK SAND QUARRYING
Ulat ni JP Soriano

 
White sand beaches ang hanap ng karamihan dahil sa mala-pulbos at pinong buhangin nito. Pero may ilang tila ginto ang turing sa black sand katulad na lang ng mga nagsasagawa ng operasyon ng black sand quarrying. Pero kamakailan lang sa Quezon, nagkaroon ng ilang pagguho ng lupa sa mga baybaying lugar. Sinuri ni JP Soriano kung may kinalaman nga ba ang black sand quarrying sa pangyayaring ito.
 
 
KUTO
Ulat ni Cesar Apolinario
 
Kamot dito, tiris doon ang araw-araw na lang na gawain ng mga nakatira sa isang komunidad sa Malabon. At ngayong umiinit at umaalinsangan na ang panahon... inaasahang mas titindi ang kalbaryo ng mga residenteng pinamumugaran ng mga kuto. Inalam ni Cesar Apolinario ang para-paraan ng mga indibidwal para masugpo ang kanilang mga alaga sa ulo.