Filtered By: Newstv
NewsTV

Pighati ng pamilya ng 'Fallen 44' sa 'Brigada'


BRIGADA
Martes, Pebrero 3
8 PM sa GMA News TV-11
 

FALLEN 44
Ulat ni Chino Gaston
 
Ang PNP Special Action Force ang pinakamatitindi at pinakamagagaling na miyembro ng kapulisan pagdating sa bakbakan. Kaya naman maraming mga katanungan ang lumabas nang makasagupa nila ang mga pwersa ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao.


 
Ano ang magiging implikasyon nito sa usapang pangkapayaan sa Mindanao?

 
SILANG MGA NAIWAN
Ulat ni Marisol Abdurahman

 
Labis na pighati ang pinagdaraanan ngayon ng mga naulila ng tinaguriang Fallen 44...mga miyembro ng PNP Special Action Force na nasawi matapos ang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao. Ang kanilang hiling... lumitaw ang katotohanan sa nangyari para na rin makamit nila ang hustisya.



Kilalanin ang magigiting na Fallen 44 sa mata ng kanilang pamilya at mga kaibigan.