Filtered By: Newstv
NewsTV

'Batang palos' at 'huli sa CCTV' tampok sa 'Brigada'  


BRIGADA
Martes, 11 November 2014
8 PM sa GMA News TV

HULI SA CCTV


Ilang mga kaso ang nabibigyang linaw dahil sa mga nakukunan ng mga closed circuit television o CCTV camera. Kadalasan kasing ang impormasyon na nabibigay nito, ang pagkakakilanlan mismo ng mga kriminal. Pero totoo nga bang wala nang puwang ang kriminalidad sa mundong kaliwa't kanan ang mga nakakabit na CCTV? Inalam ni Chino Gaston kung gaano nga ba ito kaepektibo para mapababa ang bilang ng krimen.
 
GO VEGAN


Walong Pinay ang nominado sa Search for the Sexiest Vegetarian ng PETA Asia. Magandang bagay daw ito para mas mapalaganap sa kamalayan ng mga Pinoy ang vegetarianism o paraan ng pamumuhay na hindi tumatangkilik sa mga produktong mula sa hayop. At bilang isang vegetarian mismo, ibabahagi ni Tricia Zafra ang mga natamo niyang benepisyo mula nang akapin ang pamumuhay na ito.
 
BATANG PALOS


Pabata na raw ng pabata ngayon ang mga nasasangkot sa krimen. Kagaya na lang ng ilang kabataan na nakilala namin sa Navotas na nakasanayan nang mang-umit at magnakaw sa palengke't mga karatig lugar, dahilan para tagurian silang mga "batang palos." Pinasok ni Dano Tingcungco ang mundo ng mga nalulong na sa masamang gawain sa murang edad pa lang.