Filtered By: Newstv
NewsTV

Lindol sa Bohol, May-December affair at ghost tours sa 'Brigada'




Lindol sa Bohol
 

Sa magnitude 7.2 na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Pilipinas, ang isa sa pinaka-napuruhan ang probinsya ng Bohol. Sa paglilibot ni Ruth Cabal sa Bohol, tumambad sa kanya ang napakalaking pinsalang iniwan ng lindol. Ngunit nakakita rin siya rito ng mga kwento ng pagbangon at pag-asa.


 
May-December Affair
 
May-December affair, relasyon na kadalasang pinagtataasan ng kilay dahil sa malayong agwat ng magkasintahan.  Katulad na lang ni Ka- Freddie Aguilar na ang nobya ngayon, disisais anyos pa lang. Sa ulat ni Rida Reyes inalam niya kung wala ba talagang pinipiling edad ang pagmamahalan.
 


Ghost Tours
 

Dahil malapit na naman ang Undas, usong-uso na naman ang mga katatakutan. Lalo pa’t dito sa Pilipinas, marami raw lugar ang balot ng hiwaga.  Pero ang makatindig balahibong mga lugar na ito, pwede na rin daw panghatak sa mga turista—mga ghost tours. Inalam ni Mav Gonzales ang kasaysayan sa likod ng mga lugar na ito kung bakit ito tinuturing na nakakakilabot.
 
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama… sa iisang Brigada!
Tags: plug