'Brigada:' Pugad Baboy, lilipat na sa online media
Brigada
Airing Date: June 17, 2013
NILAMON NG DAGAT
Hindi bababa sa dalawa ang namatay samantalang marami pang nawawala dahil sa paglubog ng MV Lady of Carmel sa may lalawigan ng Masbate. Tumungo sa Masbate si JP Soriano para kumustahin ang mga nakaligtas sa sakuna at alamin ang puno't dulo ng trahedya.
LIPAT PUGAD
Kinumusta ni Claire Delfín si Pol Medina Jr., ang cartoonist ng Pugad Baboy, matapos ang kontrobersyang kinaharap niya dahil sa isa niyang comics strip. Totoo nga bang lipat pugad na ang kanyang mga karakter?
APOY SA POSO
Sa Brgy. Wawa sa Tanay, Rizal pinagkakaguluhan ang isang posong hindi lang tubig ang nilalabas, pati na rin apoy! Sa pag-iimbestiga ni Cesar Apolinario, natuklasan niya ang misteryo sa likod ng nagliliyab na poso.
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!