Filtered By: Newstv
NewsTV

Kaligtasan sa mga pampublikong sasakyan, siniyasat ng 'Brigada'


BRIGADA
Airing Date: April 29, 2013

Kaligtasan sa mga Pampublikong Sasakyan

Tila lumalala ang problema ngayon ng ating mga kababayan sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyanhindi dahil sa mataas na singil sa pamasahe kundi dahil sa pangambang mabiktima ng mga walang awang holdaper. Nitong mga nakaraang buwan, isang lalaki ang nabiktima sa loob ng isang van at natangay mula sa kanya ang ilang mamahaling gadget. Kilalanin ang ilan pang biktima na nakuhanan ng pera, gamit at maging buhay sa ulat ni John Consulta.

Kurikong sa Mangga

Tuwing panahon ng tag-init, panahon din ng mangga. Ito rin ang pinakaaabangan ng mga mango growers sa Pangasinan kung saan nanggagaling ang halos 70% ng mangga sa ating merkado, gayundin ang mga mangga na ating ine-export. Pero halos pilay na diumano ang industriya nitong nakaraang anihan dahil sa pesteng cecid flies na nagbibigay ng hindi kanais-nais na kurikong at nagpapabulok sa mga mangga. Inalam ni Micaela Papa kung paano mapupuksa ang mga pesteng ito.

Pasabog ng Vintage Bombs

Noong panahon pa ng Hapon, itinanim sa iba't ibang lugar sa Pilipinas ang malalakas na bombang ginamit sa digmaan. Pero hanggang ngayon, nagbibigay pa rin ito ng takot dahil may mangilan-ngilan pa raw na mga bombang hindi sumabog na nahuhukay sa ilalim ng lupa. Ininspeksyon ni Jay Sabale ang ilan sa mga bombang kahuhukay lang at inalam kung gaano kadelikado kung sakaling aksidenteng sumabog ang mga ito.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi sa GMA News TV Channel 11. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!