Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagdami ng mga ahas sa Metro Manila sisiyasatin sa 'Brigada'


GSM (Galing sa Magnanakaw) Mga pulis na mismo ang nagsabi na talamak na naman ang mga nakawan ng cellphone ngayong Kapaskuhan. Ang mga nakaw na cellphone na ito, bagsak presyong pinagbebenta diumano sa mga bangketa maging sa mga night market. Siniyasat ni Victoria Tulad kung saan talamak ang bentahan at kung ano ang dapat gawin kung sakaling ma-snatchan ng cellphone. Ahas in the city  Kamakailan lang, dalawang reticulated python o sawa ang natagpuan sa compound ng LRTA o Light Rail Transit Authority. Sumama si Cedric Castillo sa pag-hunting sa mga tila dumaraming ahas in the city. UP Monorail
Ang mga tsuper ng UP Ikot jeep sa UP Diliman, nangangamba raw ngayon sa pagtatayo ng UP Monorail, tren na magseserbisyo rin sa mga Iskolar ng Bayan. Diumano, parehong ruta raw ang daraanan nito kaya di malayong makaapekto sa kanilang kita sa pamamasada. Inalam ni Tricia Zafra kung may dapat nga bang ikatakot ang mga driver ng UP Ikot jeep sa proyektong ito.
 
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!
Tags: plug